nung akoy sinilang, masayang masaya ang magulang ko dahil kahawig ko daw ang aking ama,sabi nila advance daw ang kakayahan ko, kasi diko naranasang gumapang gaya ng isang normal na bata bago maglakad, nag lakad daw ako agad, kala nila advance daw ang kakayahan ko,subalit binawi ito ng tadhana, na dislocate ang aking kaliwang hita para maging dahilan ng malaking hirap sa tatahakin kong daan,nag diwang ako ng isang taong kaarawan ko sa loob ng hospital,at dun nag simula ang kalbaryo ng aking buhay, nung bata pa ako kala ko kaya ko, pero habang lumalaki ako,umiiyak ako sa hirap ng buhay ko, halos ikahiya ko ang aking sarili, maging mga kapatid ko ay bihira na akoy isabay sa pag lalakad,ang malapit ay nagiging malayo para sa aking dahil sa kahihiyan ko sa aking sarili,ilang beses ko nang tinangkang mag pakamatay,dahil naisip ko, pagod na ako,walang kaibigan,walang kadamay sa oras na akoy nasasaktan sa hirap ng buhay,
cont. next sunday